Naghahanap ako ng mga cookie recipes. Kase nauumay na ko sa mga Chips Ahoy at yung mga iba-ibang cookies na nabibili sa supermarket. Tas yung mga homemade naman na inoorder online ang mamahal. Halos 50 pesos isang piraso. Mas masarap naman pero mahal pa din. Mas mahal pa ata sa Mrs. Fields. May nakita pa nga ako eh online din, Php 800 isang dosena! Di na uy. Tas nakita ko tong recipe na to. Di na kailangan ng baking oven. Microwave oven lang ang gamit. Excited na excited ako i-try. Wala kaming microwave oven dito sa apartment kaya sa office ko to ginawa. Tinatawanan ako ng mga office mates ko kase nung araw na yun dala ko yung mga ingredients ko. Tas may mga dala pa kong measuring spoons. Pati ako natatawa.
Wala akong makunan na pure vanilla extract. Kase mas ok daw yun kesa sa artificial. May pagkamahal nga lang. Tas yung salt na ginamit ko eh coarse sea salt. Mas ok daw yun eh sabi dun sa isang blog na nabasa ko. Isang itlog lang per mug kaya lang yung egg yolk lang ang kelangan. Nasayang yung egg whites. Dapat pala niluto ko na lang din sa microwave yung egg white, pwede na ding pang-ulam. Next time.
Eto itsura nya pag na-mix mix mo na. Dinamihan ko ng chocolate chips para mas masarap. Nilagyan ko pa sa ibabaw bago ilagay sa microwave. 40-45 seconds lang may dessert ka na :)
Mas masarap kainin pag mainit-init pa. Pag pinatagal masyado tumitigas saka di na ganun kasarap.
Click for complete recipe & source.
|
TOP FAVORITE SPOTS
|