Pag pumupunta kong Glorietta, parang hindi pwedeng wala akong bibilhin sa Cupcakes by Sonja. Andami ko pa kaseng flavors na hindi natitikman. Balak ko sana yung Vanilla Sunshine ang ittry ko. Yung pinaka-basic nilang cupcake na dapat eh natikman ko na dahil naka-anim na balik na ata ako sa store na to. Pag pumupunta kase ako dito, ang tendency ko eh piliin yung mga kakaibang flavors. Hindi naman ako makabili ng madami kase ang capacity ko lang eh isang cupcake. Kung may kahati sana ko. Tas ang hagad pa, ang mahal ng cupcakes nila. Tas nung nakita ko tong isang to, kala ko banana flavor tas nung tinanong ko dun sa miss, cookie butter daw. Eh di naguluhan na ko. I have a weakness for cookie butter. Eh di eto na ang nabili ko. Ang mahal pa naman, Php 135. Yung Vanilla Php 85 lang. Mahal pa din. Hehe. Pero nasanay na ko sa mga presyo ng cupcake nila.
Sabi sa description na hindi ko napansin nung una, Speculoos peanut butter marble cupcake with speculoos frosting. Inspired daw to by Lori Baltazar na friend ni Sonja. Author sya ng isang recipe book entitled, Dessert Comes First; hence, the cupcake name. Available lang for a limited time. Eto naman and description nya:
This cupcake references peanut butter, my forever-favorite, with my current love for cookie butter. A lush, yellow cake is the canvas in which these two butters – peanut and cookie – combine, a marbling that merges in the mouth and melds into the mind. A bite into buttery bliss surrenders a center of speculoos ganache, a nugget of nirvana. This is my cupcake fantasy fulfilled, frosted as it is with speculoos and capped with a cookie.
Unang kagat ko pa lang, parang gusto ko syang mahalin pero hindi ko magawa. Nalalasahan ko yung cookie butter pero parang may kulang or may nagpapasama. Yung peanut butter siguro ang may kasalanan. Pero kahit yung frosting kase hindi ko magustuhan. Masarap naman sya siguro pero mataas kase ang expectations ko sa Cupcakes by Sonja. And nasan na yung 'capped with a cookie'? Cookie crumbs lang naman eh. Yung andun kase sa picture sa store nila, buong cookie yung nakalagay. Boo.
Next time talaga Vanilla Sunshine na. Mamaya na pala yung next time, papunta nga pala kame ni Bogs sa Glorietta mamaya. |
TOP FAVORITE SPOTS
|