Hindi ko alam kung anong i-eexpect sa movie na to. Di ko alam kung tungkol saan. Basta ang alam ko lang nakakatakot daw. Matagal ko na to nadidinig since nung 2010 pa to pinalabas pero ngayon ko lang napanood kase nga lumabas yung Insidious 2. Ayun.
Nagustuhan ko naman sya. Gusto ko yung astral traveling part. Hindi ko din inexpect na may konting comedy sya paminsan minsan and I find it good kase para syang commercial break sa lahat ng gulat at takot. Hindi ganun nakakatakot yung movie, nakakagulat oo. Minsan ang tagal masyado ng suspense tapos wala palang mangyayare. So naiisip mo minsan, pag may part na suspense nanaman, iisipin mo, "Wala lang to joke nanaman yan." tas biglang dun lalabas yung nakakagulat na scene. Kaya nung medyo nakaraang mga araw. Parang naging magugulatin ako eh hindi naman ako magugulatin talaga. Eh nung araw na pinanood ko to, kinabukasan, pinanood naman namen yung Insidious 2 sa movie house. Isa pa yun na dumagdag sa pagiging magugulatin ko. Spoilers ahead. Basta ang nangyare, yung bata dito nag-aastral travel, masyado syang napalayo into 'The Further' hanggang maligaw sya. Parang hindi na nya mahanap yung katawan nya. So halos 3 months nang nasa 'coma' yung katawan nya kase nga hindi pa sya makabalik sa katawan nya. Since antagal nang walang spirit sa katawan nung bata, may mga bad spirits na gustong angkinin yung katawan nya. Parang parasite ba tas host yung katawan nung bata. Eh yung parents nya, nag-hire ng mga tao para matulungan sila tapos ang nangyare sa huli, ni-reveal dun na yung tatay pala nung bata eh astral traveler din dati nung maliit pa din sya. So pinatulog si tatay para hanapin yung anak nya tas nahanap naman nya. Kala ko happy ending yung huli kase gumising na si bata tas si tatay nakabalik din sa katawan nya ng maayos. Yun pala, masamang spirit yung nakabalik sa katawan ni tatay at nagpapanggap syang si tatay. Ayun yung ending. |
TOP FAVORITE MOVIES
|
Insidious
✮✮✮☆☆
September 21, 2013