Gusto ko yung thought nung story. Tapos sobrang natatawa ko kay Kelly (Rose Byrne). Parang yung look nya kase, ang sophisticated tas classy pero kaya nya maging loka-loka dun sa movie. Si Seth Rogen kase parang walang pagbabago. Parang sa lahat ng movies nya isa lang ang role nya. Walang distinction. Si Dave Franco, crush ko talaga sya sa 22 Jump Street pa lang. Ang perfect ng bone structure ng muka nya. Si Zac Efron naman, di ko talaga sya trip. Basta pag may nakikita ako na movie na kasama si Zac Efron naiisip ko, korni. Pero dahil nakita ko na ok ang review netong movie na to, pinanood ko na lang din. Pero in fairness, magaling sya dito. Nagampanan nya ng ayos yung role nya as sigang leader ng frat. Kaso, ayoko pa din! Zac Efron kase eh! Di pa din ako maka-move on sa Highschool Musical days nya.
May mga parts na sobrang lame. Sobrang di ko natripan yung flash back scenes nung fraternity nila. Tas yung goal nila na gusto nilang mapasali dun sa parang wall of fame ng frat nila. Wala lang. Lame. Tas although crush ko si Dave Franco, hindi ko nagustuhan yung pag-acting nya dito. Parang pilit na OA. Minsan naman ok pero most of the time OA. May gusto kong scene nung pinaghhook up ni Kelly si Pete (Dave Franco) at yung gf ni Teddy (Zac Efron). Parang ang hot nung kissing scenes ni Rose Byrne kay Pete at Teddy's gf. Tas ang cool nya dun. Parang pinakita dun yung wild side nya na hindi lang sya basta stay at home mom. Overall, may mga scenes na worth watching for a couple of times pero may mga scenes na hindi. Kaya parang hindi ko na sya uulitin panoorin. Tapos nakakatamad naman magskip skip dun sa parts na ok kaya hindi na nga siguro mauulit. PS: Sobrang cute nung baby nung gumagawa sila ng baby calendar tas naka-costume sya ng Heisenberg. Haha. Ang cute eh. Gagawin ko yun sa future baby ko. Magpipictorial sya ng naka iba't ibang costumes tas gagawan namin sya ng calendar :) |
TOP FAVORITE MOVIES
|
Neighbors
November 14, 2014