Wala talaga kong balak panoorin to kasi ewan. Wala lang akong interes. Joke, hindi. Kaya ayoko talaga panoorin kase andami kong nababasa sa FB na sobrang nakakatakot daw tas sabi nung office mate ko halos di daw sya nakatulog after nya panoorin to. Eh nadala na ko sa mga ganung movies. Nangyare na sakin yun nung pinanood ko yung The Exorcist. Di talaga ko nakatulog nun. Lagi kong naiimagine si Regan, yung batang babae sa movie, na bumababa ng hagdanan na naka baliktad. Tas nung ginamit nya yung crucifix sa sarili nya habang sumisigaw ng, "Let Jesus fuck you!" Wiw. Kakakilabot. Ang morbid masyado. Kaya yun. Nadala ko manood ng mga gantong klaseng horror movie. Kala ko kase ganto din tong The Conjuring. Di naman pala.
Ang kwento, di ko sya nasimulan. Basta ang alam ko lumipat sila sa isang bahay na mura lang ata ang bili nila. Basta ang point, haunted yung bahay. Nung unang panahon, may nakatira dun na nanay tas may anak sya, tas pinatay nya yung anak nya as sacrifice. Witch ata yung babaeng yun. Tas sinumpa nya yung lugar na yun. Kaya lahat ng tumira na pamilya dun, pinapatay ng nanay yung mga anak nya. Ang punchline, "She made me do it." May tumulong naman sa kanila na mga paranormal investigators kaya happy ending. Nakakagulat lang sya. May konting takot pero hindi to the max. Wala pa din tatalo sa The Exorcist. |
The Conjuring
✮✮☆☆☆
September 9, 2013