Pagbalik ko lalakarin ko nanaman yung overpass pag papasok sa office, maaamoy ko nanaman yung mga mababahong basurang nakatambak sa mga kanto, mamomroblema nanaman ako kung anong kakainin ko sa araw-araw. Pero pag naiisip ko yung mga mamimiss ko sa Manila, parang gusto ko na din bumalik. Haha ang gulo. Parang torn between two lovers. Mamimiss ko uli dito pagluwas ko. Mamimiss ko yung free food dito sa bahay, mamimiss ko mag-bake, tas yung mga murang pagkain mamimiss ko. Ang mura ng food sa Eduvigis pero halos lahat ang sasarap. Favorite ko na yun kainan sa Lucena.
Yung stay ko dito, halos araw-araw ako nasa labas, tas madaling araw na ang uwi. Bawat labas ko ata kasama ko si Xali. Haha. Nagsleep over pa ko sa kanila nung isang araw tas halos 4 AM na kame natulog. Kwentuhan lang kame ng kwentuhan ng kahit ano. Tas nakasama din namin si Jan at Benson, fun yung night na yun puro highschool reminiscing. Tas kahapon naman nakasama ko ulit sina Arien at Emi. Namiss ko yung dalwang yun. Kwentuhang kwentuhan lang din. Bitin pa nga ako. Parang gusto ko ulit lumabas kasama sila. Chismisan lang kami ng chismisan. Haha.
Favorite ko na talagang month ang December.