Yung una kong kinuha sa (medyo) madaming shelves ng NBS eh China Rich Girlfriend by Kevin Kwan. Nabasa ko yung first book nya na Crazy Rich Asians. Natuwa naman ako dun sa first book kaya madali sakin na bilhin tong sequel nya. Sa May 2017 yung release nung third book sa pinamagatang Rich People Problems. At eto ang (feeling) Instagram worthy na photo ng China Rich Girlfriend book na kinunan ko kanina inspired by bookstagrammers.
PS:
Ayoko na bumili sa NBS. Andami kong nakita na books na hindi in good condition. Hindi sale yun ah. Katulad nung binili ko na China Rich Girlfriend, nakabalot sya sa plastic pero pagbukas ko may tupi yung cover tska may torn na part. Ang pangit nila mag-handle ng libro. Grr.
Mejo nangangalahati na ko sa China Rich Girlfriend. Kelangan ko na makahanap ng next na babasahin.