Dati, for ilang years, wala talaga kong balak mag-abroad. Nung first month ko na nag-aaral ng nursing, parang automatic na pupunta talaga kong abroad kase yun naman talaga dahilan kung ba't ako pinag-nursing. Nasabi ko na ata to dati, nung nagpipilian kami ng course para sa college. Wala talaga kong maisip na gusto ko. Sabi ko sa Mama, kahit ano na lang na gusto nila. Parang sila na lang ang pumili para sakin. Kahit anong course pa piliin nila ok lang sakin kase alam ko namang kaya ko kahit ano. Parang medyo mayabang ang dating haha. Or kilala ko lang talaga sarili ko, alam ko kung anong kaya ko. Eh feeling ko non (hanggang ngayon?) kahit ano kaya ko kaya sakanila ko na lang pinaubaya yung desisyon. Kaya yun. Nursing.
Eh di yun nga parang naka mind set ako na mag-a-abroad talaga ko after ko makapasa ng board exam. Pero after ilang months lang, nagbago na agad yung isip ko. Sabi ko hinding hindi ako mag-a-abroad. Nakatapos na ko, nakapasa na ko ng board exam, 5 years na kong graduate, nakailang trabaho na ko, hindi pa din nagbago yung isip ko, hanggang dumating yung araw na nagbago.
Pinaka main reason ko kung ba't ayoko mag-abroad dati, yung comfort na nasa sariling bansa ka. For 25 years dito ko nakatira sa Pilipinas. Nakakatakot lumayo. Lumayo sa pamilyar. Lumayo sa mga kamaganak at kaibigan mo. Sa mga lugar na kabisado mo na. Nung nagtrabaho ako dito sa Manila, feeling ko eto na yung pinakamalayo na kaya ko. Kase kahit hindi ko kabisado yung lugar at wala akong kakilala sa bago kong trabaho, may mga kaibigan naman ako dito. At andito si Kenneth. Kaya sobrang kuntento na ko dito. Ang sarap nung walang curfew. At matagal ko nang pangarap na magkaron ng sarili kong kwarto na akin lang. Within reach lang ang mga casino at malalaking malls. Andaming pwedeng i-try na wala sa dati kong tinitirhan. Kaya sobrang naexcite ako nung nagsisimula pa lang ako dito.
Almost 2 years na kong nagttrabaho dito sa Manila, may ilang officemates na ko na umalis ng bansa. Tas yung iba kong officemates na natira, halos lahat gusto din umalis katulad nung iba. Ako naman nagtataka. Ba't ba gusto nilang umalis? Eh ok nanaman dito. Hindi ko sila magets nung una.
Mga last month, yung tatlo or apat kong officemates, naguusap usap sila about sa pagaasikaso ng mga documents papuntang abroad. Tas ako wala lang pakealam. Naboboringan ako pag yun ang pinaguusapan nila. Hindi na lang ako nakikinig. Wala pa din talaga kong interes. Hanggang sa biglang dumating na lang sakin. Unang unang pumasok sa isip ko, dalwang taon na ko dito sa company na to pero wala pa din akong ipon. Yung ipon ko na 20k dati naubos na. Isipin mo, 2 years, 20k lang ang naipon ko. Pano ko mabubuhay nun pag may pamilya na ko. Nagsimula na kong magisip ng long term. Hindi naman ako sobrang magastos. Yung mga gastos ko, hindi super tipid pero hindi din sobrang maluho. Sapat lang. Kaya narealize ko, kulang talaga.
Nagstart na kong makiusyoso nung pinaguusapan uli nila yung pagpuntang abroad. Hanggang sa naging interesado na ko. Hanggang sa sinabi ko na kay Kenneth. Hanggang sinabi ko na sa Mama. Alam kong sobrang matutuwa ang Mama nun kasi antagal na nya ko pinupush mag-abroad hanggang sumuko na sya. Nagulat siguro yun sa text ko kase out of nowhere bigla ko na lang sya tinext ng ganun. Ayun, katulong ko sya ngayon pagaasikaso. Halos sya nga lahat ang nagaasikaso ng mga kulang kong documents. Sya ang pumunta sa NSO, sya pumunta sa school namin para kunin mga diploma at TOR ko. Nakakatuwa lang. Tas super natuwa pa ko nung magkachat kami nung Tito ko na titirhan ko pagpunta ko dun sa Canada. Kasi sinabi daw nya dun sa dalwa kong pinsan na pupunta ko dun. Tuwang tuwa daw yung mga pinsan ko. Kaya lalo tuloy ako naexcite. At ang supportive pa nila kasi sila daw bahala sa show money ko. Kita kong willing talaga sila tumulong para makapunta ko dun kaya lalo akong ginaganahan.
Ngayon, sobrang excited na talaga kong makaalis. Nung minsan nagreresearch pa ko ng mga random facts about Canada. Haha. Yung isa dun na tumatak sa isip ko eh mas malinis pa daw ang tap water nila kase sa mga bottled water. Haha nakakaamaze. Parang ang sarap tumira sa lugar na malinis. May pagkamaselan kase akong tao. Ang dali kong mabadtrip sa mga ipis, sa mga mabaho, sa mga nagkalat na basura sa kanto, sa dagang malalaki. Siguro dahil nurse nga ako. Di naman ako maarte dati sa mga ganun pero feeling ko kaya nag-iba dahil nagnursing nga ako. Which is hindi naman masama. Tas nakakairita pa yung mga bastos na tao sa daan. Yung feeling na hindi ka safe pag ginabi ka paguwi. Para bang napupuno na ko sa mga ganung bagay na hindi mo maiiwasan dito. Parang hindi ko na sya kayang itolerate. Lalo na kung alam mong may lugar na mas ok. Mas safe. Kaya nga sana yung family ko at sana si Kenneth din, maisipan din nila na dun na lang tumira. Isa ko pa palang naresearch, top 5 ang Canada sa '10 Best Places in the World to Live' :)