Bigla ako ginanahan mag-blog nung nagbasa ako ng blog ni Saab Magalona. So what is up?
Tagal ko na nagccrave sa binalot kainis. Sarap ng adobo tas adobo rice yung kanin tas may itlog na pula at kamatis tas nakabalot sa dahon ng saging. *Drools* Tas pagpasok ko ngayon sa office, may pinagorderan sila na binalot. Tas 'Binalot' mismo yung pangalan ng fastfood. Mura lang tas masarap daw. Kaya lang sarado sila ngayon Mahal na Araw kase. Booo. Monday na daw ulit bukas nila. Hays. Kulit lang ng mga pangalan ng food nila. Yung Sinigang with a bang at Sisig na makisig. Haha.
Ano pa. Holy Week ngayon pero may pasok pa din kame pero ok lang naman. Pinili ko nga magkapasok ngayon. Yoko kase sumimba simba tas sigurado sa bahay di masarap ulam kase bawal karne. Saka dahil double pay na din. Hehe.
Tapos nag-gym pala kami kahapon nila Maviv at Jen sa Alpha Gym. Lapit lang sa bahay walking distance lang. Sakit ng katawan namin. Mga 1 hour plus ata kami dun. Maganda yung gym medyo malawak tas konti tao nung oras na yun. Para lang kaming naglalarong tatlo.