Dito lang ako apartment, nanonood ng PBB mukang tanga naiiyak ako gawa ni Loisa at Marice ba yun. Home alone ako dito, umuwi sila lahat ng Lucena. Di ako sumama kasi nahahassle-an ako umuwi kasi may shift pa ko bukas ng 6AM tas dadalhin ko pa tong laptop. Basta. Parang hindi ko mamamaximize yung paguwi ko. Mas ok pa yung huli kong uwi na 3 days ako walang pasok tas andun ako samin.
Anay.
Medyo naadik na ulit ako sa Naruto. Nasa season 5 na ko tas Shippuden na :) Excited na ko. Pinapanood ko din ngayon Game of Thrones saka 2 Broke Girls.
Pag sobrang nainitan ako bukas magmmall ako tas baka manood ako ng movie. O kala ko ba tipid? Hirap naman eh.
UPDATE sa UPDATES:
Hindi ako naggrocery kasi tinamad ako lumabas. Nagpadeliver na lang ako sa Namnam (mukang ok yung City Delivery). Laki din ng nagastos ko pero hanggang kinabuksan naman yung inorder ko. Minimum 500 kasi sila kaya papaabutin ko na lang hanggang bukas para medyo sulit. Medyo malaki naman yung serving kaya ok lang.
Di ako nanood ng TV kasi ayoko mapanood ang PBB. Ayoko ma-hook. Kasi kahit ayaw mo talaga sya, pag araw-araw mo napapanood magiging engaged ka na sa mga nangyayari hanggang mausisa mo aabangan mo na sya. Eh nawawalang kwentahan naman ako sa PBB kaya ayoko maging ganun.
Tagal ko matapos sa season 5 ng Naruto.
1:30AM na pala. Kelangan ko na matulog kelangan ko pa gumising ng 5:45AM bukas. Nakatulog kasi ako kanina kaya nung nagising ako ng mga 10PM nawala na antok ko. Goodnight.