Pero ang isa ko pa ding naiisip, di ko inakala na medyo magiging malaki pala ang kakailanganing kapital sa online shop ko. Medyo nammroblema na ko sa pera. Hays. Sana dumating na yung mga pa-order para makarecover na kahit papano. Dami ko pang abono. Hayay. Basta mababawi ko din yun. Sana sa madaling panahon na. Konti pa kase ng followers ko kainis. Kaya gusto ko na dumating yung mag pa-order para medyo kumalat kahit papano yung online shop ko. Please na ha?
Mga gusto kong mangyare na sana mangyare na ASAP:
- Magka-ref na kame ulit
- Magkaron ng 20k followers yung online shop. Haha.
- Magkaron ng baking oven
O yun lang naman. Mahirap ba yun? Yan lang super saya ko na. Pero ba't parang ang hirap maging masaya.