Ok secondly, nag-aaral din (ulit ulit) ako mag-Japanese. Ilang beses ko nang tinry aralin to. Tapos tatamarin. Tapos ma-iinspire ako ulit tapos mapuputol nanaman. Kaya sana (ulit), hindi na ko tamarin. Tapos balak ko pa naman mag-Japan by September or October or next year kung di ako maka-ipon kaya gusto ko marunong man lang ako makipag-usap sa mga Nihon-jin. Medyo memorize ko na yung Hiragana na writing system kaya nakakabasa na ko; hindi ko nga lang alam yung meaning. Haha.
Ok ano na nga bang next. Yung pagpuntang Japan. Super excited ako pero medyo nag-wear off na ngayon kase ang OA ko lang ma-excite. Nagpplano na ko ng 6-day itinerary tapos may pa-drawing drawing pa ko ng mapa ng Japan, travel time from one place to another, computation ng entrance fees, etc. Basta up to the last detail gusto kong planuhin. Pero ngayon medyo lie low na ko. Kase natapos ko na. Hahaha. Pero oo medyo natapos ko na nga yung itinerary. Konting details na lang kulang. By April or May baka magpa-book na ko. Tapos maglloan ako sa SSS pandagdag sa budget. Patapos na yung una kong loan eh tapos 350 per cut-off lang naman yung nababawas sa sahod ko kaya oks na. Japan naman to eh. Kaka-excite kainis.