Gagawan ko din ng post yung HK namin last November kaso pano ko sisimulan yun kung di ko pa tapos yung sa Japan. First trip namin out of the country ng Mama yun na kami lang dalwa. It was a learning experience. Hindi pala kami compatible as travel buddies. Hahaha.
- Work - Ang liit ng increase! Sana magka-willpower na ko na lumipat ng company. Sina-suck ako ng comfort zone ko. Ang weak ko nowadays.
- Canada - Pwede na kami mag-appy ng visa (mahihimatay ako nung nalaman ko. totoo pala yun.) Kaya siguro ang tamad tamad ko na maisipan lumipat ng ibang company kasi nagka-linaw na yung Canada namin kahit papano.
- Kenneth - We're so okay. Parang wala talagang nagbago after ng kasal except legal na kami matulog at magtravel ng kaming dalwa lang.
- Reading - Plano kong mag-balik loob sa pagbabasa kaso parang mas motivated ako magbasa pag hawak ko yung libro. Kaso ang gusto ko sa e-books, madaling maglagay ng notes at pwede magbasa sa dilim. Kaya lang parang iba pa din talaga yung effect ng pisikal na libro. Di ko din alam kung bakit.
- Korea - Next country na plano kong puntahan namin para mag-travel (pero syempre Canada pa din ang #1 pala).
- Music - Recent favorites na paulit-ulit kong pinapakinggan: Genesis by Grimes, Send It by Austin Mahone, Die Trying by Michl.
- Online Shopping - Excited ako dumating yung inorder ko na calligraphy kit from Tombow. May recent order din ako sa Amazon na board and card games 😁
- Family - Birthday ni my one and only niece last Jan 11 and umuwi din Dadi ni Kenneth from SG kaya andito kami ngayon sa Quezon. Bukas kami papunta samin sa Pagbilao at excited na din si Illysa maglaro ng Monopoly Deal.
- Food - Patapos na ko sa 12-week food delivery ko sa Daily's Diet. Mamimiss ko (yung ibang) food nila pero namimiss ko na din magluto kaya ok lang. Mejo nainis lang din pala ko sa kanila kasi sabi nila last day ko na daw kahapon (Jan 13) for delivery. Tapos nung inexplain ko sa kanila na Jan 23 pa dapat yung last day ko kasi nag skip ako ng 2 weeks (because of HK and the holidays) they went MIA on me. Lagi kong nakikita na online sila sa Viber pero hindi nagrereply. Nagtry ako mag iMessage, sabi ko lang, "Hello?". Tapos ang bilis nila, nakita ko na nagta-type sila tapos biglang natigil. Na-figure out siguro nila na ako yung makulit sa Viber. Nung sinabi ko na, "I can see that you're online and you were about to respond but didn't continue." Tsaka lang nagreply! Grr. Ang mahal ng binayaran ko tapos bigla na lang sila hindi magrereply. Aba.
- Smart - Sobrang sobrang bulok ng signal nyo. Nasa labas na ko ng bahay hindi pa din ako makasend ng text! Kung alam ko lang nagstick na lang sana ko sa Globe. Bilis pa ng data. Pero kapag nasa labas lang. LOL. Ok na yun kesa sa Smart, useless.
- TV Series - Nahihilig ako uli sa mga Korean drama ngayon kaya pinapanood ko yung Legend of the Blue Sea (Lee Min Ho!) at Weighligting Fairy Kim Bok Joo (super duper cute). Kakatapos ko lang sa Descendants of the Sun (Song Joong Ki *sigh*). And then there's my all time favorites: The Big Bang Theory at Modern Family. May gusto din akong lumang series na gustong simulan: Desperate Housewives (nabasa ko lang sa blog ni Saab Magalona).
- Christmas 2016 - As always masaya ang pasko. Favorite month ko talaga ang December. I always look forward sa mga Christmas parties at get togethers. At kahit magastos, nakakatuwa pala kapag nakakapagbigay ka na ng gifts sa family mo. Kaya ngayong January pa lang napapaisip na ko kung anong ibibigay sa kanila.
- Film - May interesting na movie akong napanood. Matagal na sya, 1994 ata. Pulp Fiction ang title starring Uma Thurman, John Travolta, Samuel L. Jackson, etc. Nacurious ako kasi written and directed by Quentin Tarantino. Eh super favorite ko ang Kill Bill. Ok lang naman sya. Medyo weird and cool.