Anyway, sana talaga matuloy. Ang sad nga pala kase si Babor hindi na-approve yung visa. Nakakatawa pa yun nung una kase sasabay dapat samin pag-aapply. Nasa agency na kami tapos hindi pala nya dala passport nya! Tanga eh. So bumalik sya kinabukasan tapos ayun after 10 business days pinabalik sya, sinamahan ko pa sya pag pick-up ng passport nya, tapos ayun nga denied. Yung samin ni Kenneth after 3 business days may result na. Sign ata na pag mabilis yung result most probably approved. Yung kay Nick kase 10 business days talaga bago sya tinext nung agency.
Sayang talaga ang saya pa naman sana. Sabi nga nya hindi na daw sya nanghihinayang dun sa ginastos nya sa ticket (12k). Ang kinaka-sad daw nya eh hindi sya makakasama samin. Aww. May mga iba pa kaming kasama, si Benson at Bong. Lima sana kami mag-ttravel tapos ayun, one down. Sana ma-approve yung dalwa. Si Benson kaka-renew pa lang ng passport tapos si Bong naman isa pang patanga-tanga. Nagdadalwang isip pa ata kung mag-aapply sya ng visa. Masyadong love si Babor porke na-deny yung isa eh mukang ayaw na din tumuloy. Nagsayang lang ng 12k. Yung ticket pala namin ni Kenneth is 6.2k each. Mura namin nakuha nung Holy Week nag promo fare sila ng super baba.
Yung church wedding eh next year siguro pero sabi ko nga kay Kenneth, ok na sakin yung civil wedding namin. Natuwa ako kase ang konti lang ng tao. Family and close friends lang tapos ang kulit ni mayor na nagkasal samin. Andami nyang tanong. Kung ano daw yung tatlong bagay na nagustuhan namin sa isa't isa, tatlong ugali na ayaw, kung anong tawagan namin, etc. Tapos ang nakakatuwa sa intimate wedding, lahat nakikinig sa bawat words na sasabihin ng kung sino man. Natuwa ako dun sa isang picture na natatawa kameng dalwa (for some reason na may sinabi si mayor or si Kenneth or ako na nakakatawa) tapos kita sa likod yung mga guests nakatawa din lahat. Parang hindi katulad sa ibang weddings na na-attendan ko na yung iba hindi nakikinig, hawak yung cellphone para mag-Facebook or basta nasa iba yung focus nila.
Siguro ang KJ ko pero yun talaga ang feeling ko towards it. Siguro sasabihin nung mga kamag-anak namin lalo na yung matatanda na, "Iba pa din yung kasal sa simbahan." Siguro yun na lang yung reason kung bakit pa ko payag gawin yung church wedding. Parang respeto na lang sa matatanda tapos may tita pa ko na madre. Aside from that, wala na. Di ko talaga feel. Hay sana maging positive na yung sa Canada agad agad para hindi na matuloy next year. Ayoko na kase talaga. Wala nang point para sakin kase kasal na kame and again, super satisfied na ko sa simpleng civil wedding namin. Sobrang saya ko na nun. Yung feeling na ikakasal na kayo tapos napapa-isip ka ano kayang magbabago after. Kung may magbabago ba. Grr naiinis talaga ko na na-ppressure kameng mag-church wedding pa.